Hindi mawawala ang mga sari-sari store kahit nasaan ka man. Isa ito sa mga pinaka patok na negosyo pang masa, dahil kahit maliit lamang ang puhunan ay kaya mo na magbukas ng iyong sariling sari-sari store.
Isa sa mga mahalagang alamin when preparing to open your own sari-sari store small business ay kung anong mga produkto ang bagay sa iyong lokasyon. Iba’t ibang items ang siguradong hahanap-hanapin ng iyong mga customer, at ilan ito sa mga must-have sari-sari store products based on your location.
1. School Zone
Must-have sa iyong sari-sari store ang mga basic school supplies tulad ng pencil, ballpens, envelopes, at pad papers kung malapit ka sa school zone. Maraming mga studyante ang naghahanap ng nagtitinda ng mga school supplies bago sila pumasok o kapag pauwi na.
Kung lumalago na rin ang negosyo, maaari ka mag invest in expanding your business with a merienda and snacks corner! Patok itong negosyo para sa mga students na nagtitipid at naghahanap ng food options na swak sa baon.
2. Church and Cemetery
Isa pang lokasyon na may high foot traffic at dense crowds ay ang simbahan at semeteryo. Kung ikaw ay malapit sa mga ito, siguraduhin na laging may stock ng candles, posporo, o lighter. Good to have rin ang stock ng bottled water para sa mga nagsisimba.4
3. Government Offices
Mayroon bang munisipyo, barangay office, o iba pang mga government agencies sa iyong location? Magandang mag invest sa printing and photocopying business sa mga ganitong lokasyon. Marami ang naghahanap ng photocopy services, especially those applying for requirements and documents in government offices.
4. Basketball Court
Hindi rin mawawala ang mga basketball court sa bawat barangay! Kung ikaw ay malapit sa mga sports court at gymnasium, laging mag stock ng mga malamig na energy drink (Cobra, Gatorade, at iba pa) at bottled water.
Madalas rin magkaroon ng basketball tournaments (liga ng basketball) sa mga court. Make sure to strike gold with a merienda small business dahil marami ang mga nanonood sa mga larong ito!
5. Transport Terminal
Are you living near a bus or jeepney terminal? Dapat kang mag stock-up ng candy, bottled water, at iba pang travel must-haves sa iyong sari-sari store!
Kung ikaw ay nasa probinsya at mayroon rin kayong special delicacies, pwede ka ring maghanap ng local supplier at magtinda nito para sa mga bisita at mga magdadala ng pasalubong.
6. Tourist Attractions
Kung ikaw ay nakatira malapit sa tourist attraction tulad ng beach, parks, at iba pang points of interest ay siguradong papatok ang iyong sari-sari store business! Mataas ang foot traffic at marami kang possible customers kung ikaw ay malapit sa mga dinarayong lugar.
Bukod sa mga local delicacies at gift items, pwede ka rin mag expand into a food and merienda business para sa mga turistang bumibisita sa inyong lugar.
7. Residential Area
Residential areas ang classic location ng sari-sari store. What makes residential areas stand out among other locations ay mas madaling bumuo ng trusting relationship sa iyong mga customer at magkaroon ng repeat buyers!
Make sure to know what brands and products your kapit bahay uses. While soap, shampoos, and other basic goods are always needed in residential areas, mayroong mga brand na mas tinatangkilik kumpara sa iba. Take note what brands sold out quicker at mag stock ng mas marami nito!
Handa ka na bang simulan ang iyong small business right at home? Make sure to read our article on sari sari store ideas para sa mas maraming tips on starting your business!